Sunday, March 26, 2006

Ng nagmuni ako

ito pala ang ibig sabihin ng "my yoke.. your burden is light.."

Pag sobrang bigat
- tipong susuka ka na ng dugo sa bigat,
tipong ikamamatay mo na -

ibig sabihin, may mali. Baka,
baka lang naman,
hindi para sa 'yo
'yang pinapasan mo.

Pero kung kahit pasan-pasan mo na, magaan pa ring dalhin, 'yun na. Sa 'yo 'yun. Kasi magaan sa loob mong kargahin. At di lang bisig mo ang mahinusay na napapagod, pati puso't isipan.

Siguro si Kristo nu'ng pinili niyang mapako,
ganito kagaan yung pakiramdam nya.
Parang kaya mong lumipad sa gaan,
kahit na alam mong papatayin ka nila.
Kesa nga naman dun lang sya sa tabi ng Ama nya,
dala ang mas mabigat na tanong sa dibdib - "What if..?"

Iba iba ang pagpatay, ang pag kain sa 'yo ng buhay
ng milyon milyon mong saloobin -
nandyang kinakain ang lakas mo, pawis, luha,
dugo, saya,
nandyang nawawalan ka na ang oras at panahon mo
para sa kaibigan, ka ibigan, at pamilya -
marami, e.
May mapapabayaan ka talaga.
May isusuko ka talaga. Hindi pwedeng wala.

At wala, wala talagang hihintaying ginhawa,
kung hindi ang pag akap sa nakatakdang pasanin -
ang yakapin ang trabaho
at magpalamon ng buhay dito.

Gaya talaga nu'ng kay Kristo:
hamakin mong pangakuan ka ng Muling Pagkabuhay
if, and only if,
may magpapakamatay?

Kaya pala nasabi ni Marquez, "the unbearable lightness of being"

Kaya pala.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home